Mismo pagkatapos nung Finals namin, Mahal na Araw na agad, kaya hindi kami gaanong nakapag-handa ng maayos para kay Santa Veronica. Hindi ko rin nahiram agad ang camera ng kapatid ko kaya hindi ako masyadong nakakuha ng pictures ng mga Santo. Pero masasabi kong kakaiba ang Mahal na Araw na ito, pakiramdam ko mas napag-tuunan na ng pansin ang pagdiriwang ng Kwaresma ngayong taon, kasi may exhibit ng mga Santo ang naganap dalawang linggo bago ang Mahal na Araw. At sana mas lumago pa ang pagdiriwang na ito sa aming parokya.
Domingo de Ramos
Tinawatag din Linggo ng Palaspas, ito ang nagmamarka ng simula ng Pagpapakasakit ng Panginoong Jesus nang siya ay pumasok sa bayan ng Jerusalem. (Maluwalhating Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem o HUMENTA). Sa Pinagbakahan ako sumama sa prusisyon ng Palaspas.
Humenta ng Santissima Trinidad
Dapat nga eh kasama ko si Mommy, kaya lang nakapangako na ako sa mga kasama ko na tutulong ako sa kanila. Kaya naman sa susunod na tao, dito na ako sa amin sasama sa prusisyon ng Palaspas.
Martes Santo
Sa parokya ng Santissima Trinidad sa Pinagbakahan, laging Martes Santo ang unang araw ng prusisyon, kaya naman lagi akong may pagkakataon makasama sa kanila kasi Miyerkules pa ang unang araw ng prusisyon sa amin. Marami ring mga bagong bagay sa kanila, gumanda ang mga Poon at ang damit ng mga ito.

Ang Poon ng Santissimum Choir:
Si Jesus sa Kanyang Huling Hapunan
Si Jesus sa Kanyang Huling Hapunan
Hindi ko nakunan lahat ng litrato ang lahat ng mga Santo, pero sila ay tunay na magaganda! I-klik ito para sa marami pang larawan.
Miyerkules Santo
Tuwing miyerkules ng Mahal na Araw nagsisimula ang prusisyon sa aming parokya. Masaya naman kasi nakapag-pagawa kami ng bagong damit ni Santa Veronica at medyo marami naman ang umilaw sa amin.
Tuwing miyerkules ng Mahal na Araw nagsisimula ang prusisyon sa aming parokya. Masaya naman kasi nakapag-pagawa kami ng bagong damit ni Santa Veronica at medyo marami naman ang umilaw sa amin.
Nagiging abala na kami ng husto sa tuwing sasapit ang Huwebes Santo. Nakagisnan na kasi namin ang bumisita sa Kapitangan kada taon ng naglalakad lamang. Umalis kami ng mga bandang alas-singko ng umaga at tumungo sa simbahan sa Kapitangan. Nag-punas kami ng aming mga panyo sa mga imahe na naroon, nag-tulos ng kandila at nagdasal ng taimtim.
Pinunas din namin ang aming mga panyo sa Crucifixion na nasa harap ng altar.
Natapos na kami ng mga bandang alas-nuwebe, at umuwi na muna upang magpahinga para naman sa lakad sa gabi. Kinagabihan naman ng araw na iyon, idinaos na ang misa sa Huling Hapunan ni Jesus at kami nga pala yung naka-assign para kumanta dun sa misa. After noon, paghuhugas ng paa ng mga Apostol, tapos Visita Iglesia na.
Visita Iglesia
Isang tradisyon ng mga Kristiyano ang pagbisita sa pinakamababang bilang na pitong simbahan sa iba't ibang lugar upang mag-dasal sa harap ng Santisimo Sakramento sa mga Altar ng Repositoryo. Ang lahat ng mga imahe sa bawat simbahan ay natatakpan ng telang kulay lila.

Tuwing Biyernes Santo, nadadagdagan ang mga Poon na isinasama sa Prusisyon dahil sa araw na ito ay namatay na ang Panginoong Jesus. Kasama dito ang Angustia, Pagpako sa Krus, Pieta, at Santo Entierro.
Santa Veronica on Good Friday
Noong nakaraang taon, nakasama pa ako sa libing ng Santo Entierro sa Santissima kasi sobrang haba ng nilakad nila, at nagkataon maagang natapos ang prusisyon sa amin. Ngayong taon, hindi ako nakasama kasi sabay lang pala natapos ang prusisyon namin.
Sabado de Gloria
Sa araw na ito, nagkaroon na ng antecedent mass para sa Easter Sunday, at kami ulit yung naka-assign na kumanta para doon. Kinanta na namin ang Papuri noong oras na yon, habang tinatanggal ang mga telang kulay lila na naka-palupot sa mga imahe sa loob ng simbahan.
Linggo ng Pagkabuhay
Tinatawag ding Easter Sunday. Ito ang tinuturing na pinakamahalagang pangyayari sa Kalendaryo ng Simbahang Katoliko, sapagkat dito ay ipinapahayag ng Panginoon ang kanyang pagkabuhay na mag-uli laban sa kamatayan at kasalanan.

Tuwing madaling araw naman ng Linggo ng Pagkabuhay idinadaos ang Prusisyon ng Salubong, kung saan ang mga Poong bababeng alagad ni Jesus na nakakita sa kanyang muling Pagkabuhay ay makikipagsalubong sa mga lalaking apostol, na nakakita rin sa muling Pagkabuhay.
Yung salubong ngayon taon ay kakaiba, late na kasi nagsimula yung prusisyon, at sa totoo lang nagsimula na kami nang pasikat na ang araw. Nagkaroon yata ng antayan sa ibang mga Apostol pero dalawa lang din ang nakarating. Hindi siguro nagising yung ibang may-ari ng Poon kaya nagkaganun.
Sa totoo lang nagandahan na rin ako sa Holy Week sa aming parokya ngayon. Sana nga sa susunod na taon mas maging handa pa kami at mas mapagtuunan pa ng pansin ang pagdiriwang ng Mahal na Araw.
Sa totoo lang nagandahan na rin ako sa Holy Week sa aming parokya ngayon. Sana nga sa susunod na taon mas maging handa pa kami at mas mapagtuunan pa ng pansin ang pagdiriwang ng Mahal na Araw.
0 comments:
Post a Comment