May 24, 2010

Palawit sa Bag

Sa tuwing nakakasama ko mga friends ko, may napansin lang ako common sa kanila: kadalasan dalawa ang mga cellphones nila, isang globe at usually isang sun/smart/TM. So uso pala ngayon ang dalawang phone. Nainggit naman daw ako.

Wala naman talaga sa plano kong mag-dalawang phone kasi hindi naman ako adik sa pagtetext or pala-text na tao. Nagtetext lang ako kapag kailangan ng konting palitan ng mahahalagang impormasyon, or kung minsan para lumandi ng kaunti, or para medyo mild naman eh makipag-kwentuhan o kamustahan lang naman. Wala rin naman akong syota kaya hindi ako required bumili ng sun para sa aming dalawa. Kaya naman hindi ko rin maintindihan ang sarili ko sa aking nagawa.

~ So eto pala siya. Marami-rami na rin siyang nalinlang.

Once kasi noong inaayos namin ni Mami yung papeles ng pamangkin ko para makapasok sa school kung saan ako nag-elementary, nagyaya si Mami sa Phone World para ibili yung pinsan kong nag-aalaga sa mga pamangkin ko ng phone. So go lang, wala namang problema don, tutal sabi naman niya eh hihingan niya ng parte yung mga kapatid ko sa pambili ng phone. So eto na, nakakita kasi ako ng P1 na Cherry Mobile, yung cellphone na mukhang calculator, at ayon naman sa iba eh mukhang keychain. Na-kyutan kami pareho ni Mami, so pabiro akong nagpabili nun sa kanya, tapos agad-agad naman nagbigay ng isang libo! (BTW 999 yung price niya) Ay napaka-galante talaga ni Mami! Pero binawi ko at sabi ko, "next time nalang, luho lang yan." kahit alam ko sa sarili ko na medyo nag-aalangan ako. Haha!

So the next day na inayos ulit namin ni Mami yung papel ni Ishii (pamangkin), sinamahan ko na rin siyang maningil sa may Bayan. May branch din dun ang Phone World, so tumingin kami ng available colors para ma-compare namin yung mga nandun sa crossing. Biniro ko ulit si Mami, at muli binawi ko at sabi ko next time nalang, inaabot na nga niya sakin yung pera eh. Nagyaya na ako sumakay ng jeep para maiwasan ko nang mabili yun.

Habang nasa jeep, nagyaya naman si Mami na bumababa sa crossing para bumili ng yelo kasi sobrang init talaga that time. Eh nagkataon naman katabi ng mga phone shops yung tindahan ng yelo, ayun, talagang destined yata talaga ako bumili eh. So before bumili ng yelo, binili na namin ni Mami yung P1 sa AWM kung saan mas mura ng P50 kaysa sa Phone World.

In short, bumili ako ng phone para may sun na rin ako. :D

0 comments:

Post a Comment